Habang lumilipas ang mga araw
Nararamdaman ko ang pagkitid ng
aking mundo. Parang hindi ko na matanaw ang
lugar kung saan
ako nararapat.
Hindi ko na masambit
ang dating masasayang wika sa mga bibig
ay bumubulalas.
Hindi ko na makuhang
magsalaysay ng nararamdaman
sa takot na ako
ay hindi na dinggin,
balewalain
at hindi pansinin.
Naiiyak ako
ngunit para bagang hindi ako dapat
magpakita ng emosyon
dahil lahat naman daw
ay nalulungkot din.
Para bang hindi ako
marunong makinig at
hindi rin ako
isang mabuting kaibigan.
Para bang ako
ay basurang napadaan
hindi pinapansin
pinagsawaan ng panahon.
Nais ko lang
ng panahong matahimik
upang maging masaya..
maging mabuti kahit minsan
bago man lang mapatid
aking hininga