3/17/10

isang minutong awit

paano ko ba lalapatan ng marikit na salita ang himig na
umaagos mula sa bukal na simbusilak
ng puso ng bagong luwal na paslit sa mundong napupuno ng
kaguluhan,

na sa tuwing aking maririnig, nais kong sabayan ng awit
paano ko ba lalapatan ng matamis na salita
ang himig ng lira mula sa kaibuturan ng bukal na puno ng
kabutihan

paano ko ba isasalarawan sa isang minutong awit
o sa lima, o sa sampu, o sa labindalawang oras at saglit
ang kalahatan ng iyong inialay, dalisay
sa kin, iyong buhay

mapagbibigyan mo bang ika'y aking awitan, pasalamatan
hagkan habang aking inaawitan
yaon lamang ang tangi kong paraan, na iyong pag ibig
matugunan...