Nasaan ba ang iyong daigdig?
Maaari bang masilayan?
Maaari bang makita ko
ang mundong iyong kinagisnan?
Paano ba matatahak ang landas
patungo sa iyong kaharian
Maaari ko bang masilip
Ang iyong mukha kahit minsan?
Maaari bang ako'y patuluyin sa iyong daigdig?
Nais ko sanang mahawakan ang iyong katauhan
Maaari bang ako'y iyong makilala kapag nariyan na,
Maaari bang ako'y iyong yakaping mahigipit hanggang sa kawalang-hanggan?
Taimtim, sa pagpikit ng yaring mga mata
Sa gabi, kung kailan bumubulong sa langit at mga tala
Dinarasal, na sana, sa pagdilat ng mga mata
Sa bagong umaga, natagpuan na kita....