masama magtanong
mali ba na naisin alamin kung bakit
paano ba ang magtanong
nang hindi nakakasakit
hindi naman ako ipinanganak
na alam na ang lahat
bakit ba sa buka ng aking bibig
latigo na lang ang hinaharap
hindi ba ako maaaring
magsalita ng malaya
ng ayon sa naiisip ko?
bakit ba palagi na lang
may mga hindi ninanais
ang aking tinatanong?