Nakasilay
sa salamin kung saan
umaagos ang tubig
Parang walang hanggan
sa pagdaloy ang lungkot
sa dibdib
Nakamasid
sa taong tangging nakakaunawa
sa saloobing lihim
Magkasing lungkot kapag nag-iisa
Malayo sa kanyang piling...
Oras at araw
pinapalipas sa silyang
nililok ng pagkakataon
Pagkakataong pilit na hinahabol
Baka sakaling
masalo
mga sandaling ipinagkait
Makita't madama
Iniisip,
Ginuguhit,
Sinusulat...
Sa pag-iisa
Isang alamat
na nagbuhat sa 'di mapagtagpong
daigdig
Sa isang hiblang pag-ibig
lamang kumakapit
Paulit-uit na binabasa ang akdang iginuhit
Na baka minsan, sa pang sanibong ulit
Makita katagang bubuhay sa ngiting hindi makamit
Nakamasid pa rin sa salaming dinadaluyan ng walang katapusang pagtingin
Tulad ng pag-asang walang patid ang pag-agos sa pusong angkin
Narito pa rin, habang siya'y naroon
Hinihintay pa rin ang pagdating ng kanyang unang pagtingin...
…………………………………..DITO