11/3/07

kahapon

kahapon...
tayo'y mumunti
diwang panghamon
buhay di natin wari
walanghakbang panlaban
kundi bato at sapin paa
takbo sa init arawan
labis na pagkasiya!

kahapon...
pangarap ay isang tala
araw ang humuhusga
sa sala ng mga taya
tayo na pagkahapon
nang ang init ay maglaon
sama na sa paglayon
sa kalabang humahamon!

kahapon nga lamang...
tayo ay mga bata
walang hapis, walang pagod
walang daya, walang kayod
sama samang umaawit
sama-sama, kapit bisig
harapin natin ang bukas
sapagaka't kahapo'y walang wakas!

No comments: