7/22/09

manunula..manunulat

hindi kaya't masikip
kung ako'y isisilid
sa rehas na ubod
ng kalawang? at doon
gugulin ang mga araw,
magbibilang ng hibla
ng buhok na di humahaba,
pumuti na at naging uban
ngunit hindi humahaba.
nananatiling bilanggo
at hindi humahaba.

hindi kaya't mahirap
kung ako'y igagapos
ng kadenang mabigat
abot-abot hanggang lupa
iginagapang ang paglakad
marating lamang ang siyudad
at doo'y ibilad sa madla
at ipagtabuyang diwa?

gaano ba kahirap
sa isang manunula, manunulat
mapagkaitan ng kalayaang
lumathala't maghayag
bugso ng damdamin, katas ng isipan
iba ang isinasadiwa
iba ang ginagawa
dahil sa kahirapang walang pigil sa paghampas?

gaano ba kahirap
umuwi sa tanang gutom ang kaanak
na sa ginhawa'y salat
mula sa trabahong sa sikmura'y di sapat
trabahong kumain ng oras at pangarap
at hanggang ngayon, inaagaw
yari kong kalayaan....

7/21/09

dear you...

tis been a thousand days and more
and i have been more than grateful
to wake up another day
and find that someone next to me
standing next to me

upside down the world has turned
faces gone, names forgotten, memories blurred
but still have that someone next to me
sitting next to me
sitting next to me

chains broken, loves almost faded
how many times have us been shaken
bewildered, feared, lost
but still i have that someone next to me
sleeping next to me

gone are the storms that blew us apart
and we shall be in solitude now
waiting, waiting, waiting and waiting
and still i have that someone next to me
waiting for you
waiting for me

dear you lost in dimensions
find me here now and break the walls
stand here next to me and tell me it's you
live for eternity
here next with me
dear you..

7/14/09

cinderella 2

still couldn't give myself a wink
the lovely sight of the road, i couldn't forget
playing and dancing and singing inside my head
like a lovely lullaby

feet hopping in the white-painted carousel
captain in white,"here we are mademoiselle
we'll tour the world tonight until tomorrow's dawn"
and so we go, lovely midnight sun

how far are we to go, my sir?
how far are we to travel tonight?
shall you not stop the driving my sir
i shall sit here, this coach shall be forever

don't fret my dear, my car's not a coach
we'll walk tonight the long winding road
and when we get tired this coach's a bed
lit by moonlight, a love's to be made

and so they travelled till eyes got tired
of all the scenery they walked past by
temples' tired, souls tempted
a lovely love to start tonight...

7/7/09

dusa

alas tres..
mainit pa rin ang araw sa kalangitan
mahirap pa rin maglakad sa lansangan
tagaktak pa rin ang pawis
naiisip pa rin
ano kaya bukas?

alas cuatro..
humuhupa na ang init
marami pa ring gawaing pilit
tinatapos, hinahabol, minamadali
may iba pa akong gawain, bukas

alas cinco..
maari nang lumisan, umuwi
sumakay ng dyip, umidlip
nagbibiyahe, nag iisip
nagugulo, nalilito
paano nga ba, bukas?

alas cinco..umaga
gising na't may muta pa,
heto na ang araw
sadyang nilimot na
mahirap talagang mag-alaga, magmahal
nagdurusa