6/5/11

Anino

pinagmamasdan kita, sa katirikan ng araw
habang sa bawat hakbang ko, ikaw
rin ay sumasabay
isang anghel
sa lawak ng plasa, sa gitna ng pag iisa
naroroon ka, at tayo ay dalawa

sinabi nilang wala kang mukha
o isip, o damdamin, o diwa
ngunit alam kong ikaw,
sa gitna ng plasa, sa aking pag iisa
tayo ay dalawa

di ko matanto ang hubog ng iyong palad
batid ko lamang na iyon ay laging bukas
sa bawat aking pagkadapa, 
isa kang anghel na walang mukha



No comments: