lumilipad, malaya
malakas na hangin, tayo'y nadadala
masaya palang lumipad kasama mo,
nawawala ang takot, pangamba
natatanaw mo, natatanaw ko
ang ganda ng luntiang mundo
nadarama ko, nadarama mo,
ang init ng araw,
ang pagmamahal
hawak kamay, lumipad tayong sabay
sa agos ng mapaglarong buhay..
at sana bukas, sa bawat araw natin
liparin natin muli ang himpapawid
katulad ng mga mayang sa tin sumasabay
sabay nating abutin
ang alapaap
ating mga pangarap...
--taco & dill, Feb.14.2010
No comments:
Post a Comment