2/12/10

IHIP

kahapon lang tayo'y mga batang nagtatakbuhan sa gitna
ng malawak na bukirin
tumatangis sa tuwing nasusugatan, tumatayo at naglalarong muli..
magkakaibang nagkatagpo, nagkasundo, naglalaro,
nakikipaglaro sa tadhanang malabo,
minsang naging isa sa mga hangarin, pangarap,
natagpuan na sa kabila ng pagkakaiba
tayo'y may pagkakahawig pala..

sa pag ihip ng hangin unti unting napapansin
nagkakaiba iba na yata
unti unti nagkakalayo, naglilihim, nagtatago,
hanggang magising ako isang
araw
hindi na pala ikaw, hindi na pala siya,
hindi na pala, tulad nung mga bata pa..

nagising akong may luha
bakit ba hindi nadama
mga buhay natin ay nagbago
hindi na pala mga bata
tayo'y tumanda na pala.....

No comments: